Ito ay isang ngiting nagmula sa Eskaya, isang misteryosong tribo mula sa Bohol. :)
Ito naman ay isang ngiting nagmula sa tribo ng Davao City, isang tribong nagdidiriwang ng makulay na Kadayawan Festival. :)
Ito ay ngiti ng mga batang mula sa tribong Kalagan ng Mindanao. :)
Ito ay ngiting mula sa tribong Ifugao. :)
Ito ay isang ngiting nagmula sa isang magaling na "tattooing" artist ng tribong Kalinga. :)
Ito ay isang ngiting namula sa isang Manobo sa Bukidnon. :)
Ang matamis na ngiting ito ay nagmula sa isang batang babaeng Agta. :)
Sila ang mga masiyahing T'boli dream weavers. :)
Ito ay isang matamis na ngiti mula sa isang batang naninirahan sa Olotayan Island. :)
Ito ay isang matamis na ngiting mula sa isang mananayaw sa Aliwan Festival. :)
Ito ay ngiting mula sa isang babaeng netibong taga-Marikina. :)
Ito ay isang ngiting nagmula sa isang netibo ng tribong Batak sa Palawan. :)
Kahit nasaan ka man sa mundo, kahit nasaan ka man sa pitong libo't isang daa't pitong isla ng Pilipinas, alam kong alam mo kung paano ngumiti. Sapagkat ang pag ngiti ay ang tanging magagawa kapag walang sapat na salitang makapagsasalita tungkol sa ating nararamdaman. At ang ngiti ang tanging lenggwaheng naiintindihan ng kahit sinumang tao sa buong daigdig. :)